ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Da Who? Annabelle Rama, may pinatamaang 'certified sugar mommy'


Sunod-sunod ang Twitter post ng talent manager na si Annabelle Rama nitong Biyernes tungkol sa isang babae na hindi niya pinangalan pero pinasaringan niyang 'certified sugar mommy.'


Sa simula ng serye ng kaniyang mga mensahe, bumati muna ang palabang dating aktres sa kaniyang 547,000 Twitter followers.

"I'm back and I miss you all... Bato bato sa langit ang tamaan 'wag magalit," saad ni Annabelle.

Matapos nito, sunod-sunod na ang patama niya sa isang babae na super talino raw sa lahat ng bagay pero "bobita" pagdating sa pagpili ng lalaki.

"Super talino sa lahat ng bagay. Hardworking at nag-aral sa ilang expensive schools here and abroad," aniya. "Pero pagdating sa pagpili ng lalaki, super tanga at bobita, mahilig sa mga lalaking palamunin, "escort" ng mga sosyal na bading."


May pahiwatig din si Annabelle na hindi na dalaga ang taong pinapasaringan niya.

"Mas important gastusan ang lalaki kesa mga anak. Laging nasa computer, naghahanap kung saan may airline promo papuntang NYC, LA & Europe," saad sa post ng manager. "Di ba bonggang-bonggang "Certified Sugar Mommy"... 'Pag may mag-react "Guilty."

Kasabay ng paalala, binatikos ni Annabelle ang mga kaibigan ng babae na tinawag naman niyang "B.I." at mga konsintidor.

"Mag-ingat lang sa ganoong klaseng lalaki, ayaw magtrabaho, naghahanap lang nang magsusuporta sa kanila.. Naku,, 'di magtagal, hahanap...  'Yan ng iba. Pag wala nang makukuha sa 'yo maghahanap ng iba na mas bata," paalala at babala ng dating aktres.

Dagdag niya, "Mga kaibigan puro B.I. Kung mahal ka ng mga kaibigan mo, hindi ka dapat ipakilala sa mga ganoong klaseng lalaki... mga kunsentidor." -- FRJ, GMA News