ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Album na sinimulan ni Gary Ignacio, tatapusin ng kaniyang mga kasama sa banda
Napuno ng musika ang necrological service para sa pumanaw na lead vocalist ng "Alamid" na si Gary Ignacio.
Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing dumagsa sa huling lamay kay Gary sa Malabon ang mga kaanak, kaibigan at kapwa-musikero.
Nag-alay pa sila ng mga awitin para bigyang-pugay ang naging buhay ng mang-aawit na pumanaw dahil sa sakit na cancer.
Kabilang sa mga inawit ang pinasikat niyang kanta na "Your Love."
Malaki rin ang naitulong ni Gary sa ibang artists nang itayo niya ang Malabon Musicians' Alliance.
Pangako ng kaniyang mga kasama sa banda, tatapusin nila ang album na sinimulan ni Gary bilang tribute sa kaniya. -- FRJ, GMA News
Tags: garyignacio
More Videos
Most Popular