ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mickey Ferriols, dama raw ang pinagdaraanan ng kapatid na si Jackie Forster


Hangad ni Mickey Ferriols na magkaayos na ang kaniyang kapatid na si Jackie Forster at mga anak nitong nawalay na sina Andre at Kobe Paras.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Chika Minute" ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing hindi nalalayo sa buhay ni Jackie ang role na ginagampanan ni Mickey sa bagong GMA Afternoon Prime Series na "Healing Hearts," na isang ina na nawalay sa anak.

Ginagampanan ni Mickey ang karakter ni Rachel na dahil sa isang pagkakasala ay makukulong at mahihiwalay sa anak na si Mikaela, na ginagampanan naman ni Joyce Ching.



Tulad ng kaniyang karakter, halos nasa kaparehong sitwasyon ang pinagdadaanan ng kapatid niyang si Jackie na matagal na ring hindi nakakapiling sina Andre at Kobe, ang mga anak niya sa dating basketbolistang si Benjie Paras.

"Ako wisk ko talaga for Jackie and the kids, siyempre ano na rin kay Benj, maayos sila. Kasi at the end of the day ang importante talaga family. Kahit na at one point nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan," paliwanag ni Mickey.

Proud naman si Mickey sa kaniyang mga pamangkin na si Kobe, na gumagawa ngayon ng pangalan sa basketball sa Amerika. At si Andre na unti-unti nang napapansin bilang aktor.

Sa katatapos na 6th Golden Screen TV Awards, tinanggap Andre ang kaniyang kauna-unahang acting award bilang Outstanding Breakthrough Performance by An Actor para sa afternoon prime na "The Half Sisters."

Sa kaniyang acceptance speech, inialay ni Andre ang award sa kaniyang pamilya at mensahe pa siya sakapaitd na si Kobe na kasalukuyang nasa California. -- FRJ, GMA News