ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Helen Gamboa, nagdiwang ng 70th birthday; inaming, na-stroke noong 2014


Star-studded ang enggrandeng selebrasyon ng 70th birthday ni Helen Gamboa nitong Huwebes ng gabi. Ang kaniyang mister na si Sen. Tito Sotto, tumugtog at kumanta kasama sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing kumpleto ang pamilya Sotto sa selebrasyon, kasama ang mga kaibigan sa showbiz at pulitika.

Nandoon sina Joey, Vic, Pauleen Luna, Val Sotto, Susan Roces, Amalia Fuentes, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Maricel Soriano at Roderick Paulate.

Present din si GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L Gozon, TAPE executives Antonio Tuviera, at Malou Choa-Fagar, at San Miguel Corporation President Ramon Ang.



Ang mister ni Helen na si Senador Tito at kanilang mga anak ang nagplano umano ng selebrasyon.

"At least maparating ko sa kaniya na lubos ang pasasalamat ko for having a family and a wife like her," ani Sen Tito.
 
Kabilang sa mga nag-perform ang bunsong anak nilang si Ciara. Hindi rin mawawala ang pamangkin niyang si Megastar Sharon Cuneta.

Tumugtog at kumanta pa na parang boy band si Sen Tito kasama sina Vic at Joey.

May impromptu song number din mula sa birthday girl.

Nang magbigay na ng kani-kanilang mensahe, naging emosyunal sina Ciara at Sharon.

Sa unang pagkakataon din, ibinunyag ng beteranang aktres na na-stroke siya noong isang taon.

Hindi na napigilan ni Helen na maging emosyonal lalo na nang magpasalamat sa kaniyang asawa.

"When I got sick between life and death, I will never forget how my husband Tito took care of me," aniya. -- FRJ, GMA News