WATCH: Winning performances of Asia's Got Talent grand winner El Gamma Penumbra
Balikan ang nakabibilib na mga pagtatanghal ng kauna-unahang Asia's Got Talent grand winner at Pinoy pride na El Gamma Penumbra.
Sa kanilang audition act, naging instant fan kaagad ng El Gamma Penumbra ang judge at Indonesian star na si Anggun na pumindot ng golden buzzer para makalusot agad sila sa semi-finals.
Ang isa pang judge na si Vanness Wu, napabilib din sa grupo at sinabing, "I loved how you guys told the stories beautifully and it was just so wonderful to see live and up close."
Sa kanilang semi-final act, napahanga maging ang binansagang dream-crusher judge na si Grammy-winning composer David Foster.
"I just want to say that I live in a box, where I make music in a studio. And tonight, I got to come outside of my box and see something that was so, so moving and magical. It's just amazing," ani David.
Dito, muling nakakuha ng golden buzzer ang grupo para lumusot sa grand finals.
Sa grand finals, humanga ang judge na si Melanie C dahil nagagawang magpakita ng magkakaibang tema ng istorya ang grupo sa maigsing panahon.
“The thing that stand out tonight is each time we’ve seen you, there’s been a short gap and less rehearsal time. But it’s got even more incredible and that is down to sheer hard work and your creativity. I salute you, wonderful,” anang dating miyembro ng Spice Girls. -- FRJ, GMA News