ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: AiAi's son Sancho performs at her thanksgiving concert


Ginanap nitong Sabado, May 16, ang thanksgiving concert ng Kapuso Comedy Queen na si AiAi Delas Alas na pinamagatang "Ai Am Who Ai Am" sa Skydome, SM City North EDSA sa Quezon City.

Kabilang sa mga special guests sa kanyang matagumpay na concert ang anak na si Sancho Vito, Kapuso actors na sina Alden Richards at Aljur Abrenica, pati na ang mga kaibigan at katrabaho niya sa GMA Primetime soap na "Let The Love Begin" na sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, at Gardo Versoza.

Naroon din ang long-time friends ni AiAi na sina Allan K. at Arnel Ignacio na talaga namang nag-enjoy sa muling pagsasama-sama nilang tatlo sa iisang stage.

Proud mommy-ger naman si AiAi matapos ang dance number ng kanyang anak na si Sancho Vito kasama ang G-Force.

Aniya, "Ito ang nakawala ng pagod ko sa show napakagaling ng anak ko yahoooooo!!!!! I am so proud of you, Sancho Vito Delas Alas. I miss Sophia Andrea and Shaun Nicolo. Ang mga lakas ko. I love you Sancho Vito, baby boy!!!!! Tira pa!!!!"



-- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News