Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pia Wurtzbach, loveless daw kahit iniuugnay kay PNoy


Single at wala raw panahon na magka-boyfriend si Binibining Pilipinas-Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nagtataka ang Filipino-German beauty queen kung bakit hindi mamatay-matay ang isyu sa pag-uugnay sa kaniya at kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.



Panawagan niya, sana raw ay matigil na ang pag-uusisa sa kaniyang non-existent love life.

Abala daw kasi siya sa paghahanda sa Miss Universe pageant kaya wala siyang panahon magka-boyfriend.

Sakaling palarin na maging Miss Universe, mananatili raw si Pia sa New York kaya wala talaga siyang panahon na makipagrelasyon.

Nagsimulang maugnay si Pia kay Aquino nang ibalita ng isang opisyal ang pagtatagpo ng dalawa sa inilarawan nitong "group date." (Basahin: 'Group date' nina PNoy at Pia Wurtzbach, kinumpirma ni Villanueva ng TESDA)

Kasunod nito, inamin ni Pia na mayroon pa rin silang komunikasyon ng pangulo sa pamamagitan ng text.

Sa hiwalay na panayam, pinuri naman ni Aquino si Pia na tinawag niyang, "Mabait na tao ‘yan, at saka magaling, at saka determinado." -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT