ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GUESS: Birthday greeting mula sa aktor na ito, ikinakilig ni Winwyn Marquez
Lampas tatlong linggo matapos ipinagdiwang ng aktres at Binibining Pilipinas 2015 candidate na si Winwyn Marquez ang kanyang 23rd birthday noong May 4, mayroon pang humabol ng pagbati sa kanya na nagpakilig umano sa Kapuso actress.
Galing ang pagbati sa aktor at kapwa dancer na si Enrique Gil, na nagpapakilig rin ngayon sa sambayanang Pilipino sa kaniyang mga teleserye.
Naging malapit ang dalawa dahil nakakatrabaho ng ama ni Winwyn na si Joey Marquez ang young actor. Bukod pa riyan, pareho ring mahilig sumayaw si Enrique at ang Kapuso performer, na madalas namang mapapanood sa 'Sunday All Stars' bukod pa sa mga programang pinagbibidahan niya.
Ayon kay Enrique sa naturang video greeting na naka-post ngayon sa Instagram ni Winwyn, “What’s up Winwyn? It’s Enrique. Just wanna say hi and I wanna wish you a happy, happy birthday. I hope you have the best birthday ever."
“God bless, stay sexy for me and I love you,” dugtong pa niya matapos magpasalamat sa suportang natatanggap mula sa aktres at sa ama nito na tinawag niyang "Papang."
Hindi naman itinago ni Winwyn ang kilig sa natanggap na pagbati. Aniya, "May humabol sa pag greet saakin! Thanks kuya @paolo.mismo sa surprise mo! Thanks Enrique and sa buong cast ng Forevermore sa pagmamahal na binigay niyo sa dad ko. #medyokiniligakoah." — Bianca Rose Dabu/ELR/JST, GMA News
Tags: winwynmarquez, enriquegil
More Videos
Most Popular