ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Julie Anne San Jose bilang 'Chika Minute' host: 'Iba ‘to sa pagkanta, sa pag-arte'
By ARNIEL C. SERATO, PEP

Ngayong Martes ng gabi, June 2, ang ikalawang pagsabak ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose bilang host ng Chika Minute segment ng GMA primetime news program na 24 Oras.
Nag-trending ang hashtag na #JulieOn24Oras noong May 12, ang unang beses na humalili si Julie Anne kay Pia Guanio.
Basahin: Julie Anne San Jose surprised about trending 'Chika Minute' stint
Noong Biyernes, May 29, nagpaalam na si Pia bilang "Chika Minute" segment host dahil gusto raw niyang mag-focus sa kanyang anak at asawa.
Basahin: Pia Guanio leaving 24 Oras showbiz segment
Ilan sa mga lumutang na pangalan na papalit kay Pia ay sina Megan Young, Iya Villania, at Julie Anne.
Si Megan ang nag-host kagabi, June 1, at si Julie Anne naman ang sasalang ngayong Martes.
Si Julie Anne na nga ba ang magiging regular anchor ng "Chika Minute"?
Ayon sa 21-year-old singer-actress, “Hindi ko pa po alam, pero sa ngayon po, tina-try ko pa rin po.
"'Tsaka po, maganda pong experience ‘to kasi different field yung papasukin ko.
“’Tsaka news ‘to e. Iba ‘to sa pagkanta, sa pag-arte.
"Yung ginagawa ko sa Day-Off [GMA News TV], like hosting lang naman yun.
"Ito talaga, news talaga saka formal yung dating.
“And masaya ako since, yun nga, student ako, nag-aaral pa ako, naa-apply ko yung mga pinag-aralan ko since Mass Communication student ako.”
Kapag inalok ba sa kaniya ang nabakanteng puwesto ni Pia ay tatanggapin niya?
Tugon ni Julie Anne, “Oo naman po. I’d love to, I’d love to...
"'Tsaka magandang experience ‘tong magbu-broadcast ka ng mga balita.
"At saka, alam mo yun, parang legit kasi."
Si Julie Anne ay incoming fourth year college student sa Angelicum College sa darating na Agosto. -- For the full story, visit PEP.
Tags: julieannesanjose
More Videos
Most Popular