ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GUESS: Which Kapuso star used to be a teacher for children with special needs?
Bago mabansagang Kapuso Primetime Queen, sinubukan ng aktres at mom-to-be na si Marian Rivera na maging isang Special Education (SpEd) teacher matapos siyang makapagtapos ng kursong Bachelor of Science Major in Psychology sa De La Salle University-Dasmariñas sa Cavite upang maibahagi ang kanyang natutuhan sa kolehiyo.
Bukod kay Marian, certified educator rin ang host-actress na si Camille Prats, na nakapagpatayo na ng sarili niyang paaralan. Si Camille ang nagsisilbing president at directress na Divine Angels Montessori sa Cainta, Rizal.
Naging teacher din ang TV personality at Eat Bulaga Dabarkads na si Ruby Rodriguez bago maging isa sa pinakakilalang komedyante ngayon. Kahit na Business Administration ang kanyang tinapos sa kolehiyo, sinunod niya ang kagustuhang makapagturo sa mga kabataan at naging pre-school at high school teacher nga noong 1988. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: marianrivera
More Videos
Most Popular