WATCH: Pauleen Luna, may bagong kinahihiligan
Tatlong linggo pa lamang nang nagsimulang mag-aral tumugtog ng ukulele ang Kapuso TV host and actress na si Pauleen Luna, ngunit mukhang enjoy na enjoy na ang "Eat Bulaga" dabarkads ang kaniyang bagong hobby.
Kuwento ni Pauleen sa kaniyang Instagram account, nagustuhan na niya agad ang nabanggit na instrumento nang una niya itong mahawakan.
Dagdag pa ng Kapuso host-actress, ang co-host niya sa "Eat Bulaga" at "Pepito Manaloto" star na si Michael V. ang nagturo sa kaniya ng basic chords.
Kabilang sa mga tinutugtog niya, na siya ring naka-post sa kaniyang Instagram account, ang mga kantang gaya ng 'All of Me,' 'Titanium,' 'Stay with Me,' at marami pang iba.
Supportive naman daw ang kaniyang boyfriend na si Bossing Vic Sotto sa hobby niyang ito. Katunayan, sinasamahan daw siya nito sa mga munting jamming sessions kasama ang iba pang mga kaibigan at kaanak.
• Late night ukulele session
Late night Ukulele sesh. Can't sleep so i'm learning a new song. #waterfalls #ukulelenewbie
A video posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
• Ukulele session in between breaks on set
Meanwhile.. In the car while waiting for set up... #trmd #ukulelenewbie #something
A video posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
• Boyfriend Vic Sotto being supportive with Tito Sotto
The expert! And @tiltdown1 's super nice voice singing in the background
A video posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News