ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Kris Bernal disproves eating disorder issues with a video of her eating a full meal    


Kasabay ng mga puna na natatanggap dahil sa kaniyang kapayatan at madalas na pagpunta pa sa gym upang mag-workout, nag-post ang Kapuso actress na si Kris Bernal ng isang video sa Instagram nitong Lunes upang pasinungalingan ang mga balitang mayroon siyang eating disorder.
 
Makikita sa naturang video na kumakain ng kanin at tila dalawang malaking fried chicken ang aktres, at habang wala naman daw siyang nais patunayan, gusto lamang niya na matigil na ang mga negatibong komento tungkol sa kaniyang pangangatawan.
 
Aniya, “Most people think having a naturally small built is a gift, others think it's sickening, or serious conditions like anorexia. Trust me when I say I've heard it all! Most comments are really snide! I know I don't need to prove anything to anyone. Besides, this is just one video.”
 
“And like you, I'm sick of constantly defending myself about my figure. In this industry, everyone is just body obsessed,” dagdag pa ng aktres.
 
Sa huli, iginiit ng Kapuso actress na walang dapat ikabahala sa kaniya dahil hindi siya anorexic at hindi rin siya dumaranas ng anomang eating disorder.
 
Paglilinaw ni Kris, “Sweethearts, being small doesn't necessarily equate to having an eating disorder or being anorexic! It's pretty obvious that the answer is: GENETICS.”


 
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: krisbernal