Maria Ozawa bares all in Startalk Online Exclusive
Kasabay ng opisyal na pag-anunsyo ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, nagdiwang ang mga tagahanga ng Japanese actress at former adult video star na si Maria Ozawa nang makapasok sa listahan ang horror-action film na “Nilalang” na pagbibidahan niya kasama ang Pinoy action star na si Robin Padilla.
Magli-limang taon na nang tumigil si Maria sa paggawa ng adult entertainment movies, ngunit hindi nagtapos doon ang kaniyang pagsikat dahil patuloy siyang gumagawa ng iba't ibang genre ng mga pelikula sa mga bansa sa Asya gaya ng China, Taiwan, at Indonesia.
Ang kaniyang karakter sa “Nilalang” ay Japanese heir ng isang organized crime group, ang kauna-unahan niyang gagampanang role sa Pilipinas.
Bukod sa pagbibidahang pelikula, naging cover photo rin ang Japanese film actress ng June issue ng FHM Philippines, at nakatakda rin siyang magkaroong ng special photo book project kasama rin ang naturang men's magazine.
Nakatakdang bumalik sa Japan si Maria upang mag-acting classes at mag-aral ng martial arts para sa “Nilalang,” at babalik siya dito sa Agosto upang simulan ang shooting ng pelikula at gampanan ang iba niya pang showbiz commitments sa Pilipinas.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-Bianca Rose Dabu/NB/FRJ, GMA News