ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Starstruck' alumni Ryza Cenon and LJ Reyes start business together


Naging magkaribal noon sa reality talent search ng GMA Network na “Starstruck” sina Ryza Cenon at LJ Reyes matapos silang mapabilang sa Final 6 ng Season 2 ng naturang kompetisyon.
 
Sa huli, itinanghal bilang Ultimate Female Survivor si Ryza habang naging First Princess naman si LJ.
 
Pero kung magkatunggali sila noon sa talent search contest, ngayon naman ay magkakampi sila sa itinayong food business.
 
Sa isang episode ng “The Ryzza Mae Show,” ipinaliwanag ni Ryza ang konsepto ng “Paburrito” o “paboritong ulam in a burrito,” na nagsimula lamang magbukas sa publiko nitong nakaraang Mayo. 
 
Ayon sa aktres, “Naisip namin na magkaroon ng business na may twist pero nandoon pa rin ang lasang Pinoy. Like yung burrito. Burrito is a Mexican food. 'Yung sa amin, ang nakalagay sa loob, paboritong ulam ng Pinoy, like Adobo.”
 
Perfect daw ang kanilang pagkain para sa mga people on-the-go, kagaya nilang mga artista, dahil kayang-kayang dalhin kahit saan at kainin ang full meal na ito kahit na wala pang mga pinggan o kobyertos.

 

Ladies of Paburrito are waiting to serve you here in Elements at Centris! We'll be waiting til 9pm!!! See you!

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) on


 
Maaaring sundan ang activities ng “Paburrito” sa Facebook at Instagram (@bahilya), pati na sa Twitter (@BahilyaInc).



-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News