ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Fernando Carrillo, posibleng mapabilang sa pinakabagong Pinoy remake ng ‘Mari Mar’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Posibleng maging kabilang sa cast ng ikalawang Pinoy remake ng hit Mexican romance series na “Mari Mar” ang Venezuelan actor at producer na si Fernando Carrillo. Si Carrillo ay mas nakilala at minahal ng mga Pilipino bilang si Fernando Jose ng isa pang hit Mexican drama na “Rosalinda” kung saan nakatambal niya ang Mexican actress at original 'Mari Mar' na si Thalia.
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa “24 Oras” noong Linggo, nakipag-usap at nagkaroon na ng meeting sa pagitan ni Carrillo at ng executives ng GMA Entertainment department bago magtungo ang aktor sa General Santos City matapos siyang imbitahan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Kung sakaling opisyal siyang mapasama sa premyadong cast ng “Mari Mar,” mayroon daw role na nais gampanan ang Venezuelan actor.
“I would love to play a musician. I spoke to the production team, and I have never played a musician,” aniya.
Makakasama niya rito ang pinakabagong 'Mari Mar' at Miss World 2013 na si Megan Young, at si Tom Rodriguez bilang si Sergio. Kabilang rin sa cast sina Lauren Young, Jaclyn Jose, Jaya, Ashley Cabrera, Maricris Garcia, Frank Magalona, Candy Pangilinan, Dion Ignacio, Ricardo Cepeda, Cris Villanueva, Carmi Martin, at marami pang iba.
Papuri naman ang inialay ni Carrillo kay Megan kasabay ng posibilidad na magkatrabaho sila sa GMA Network production na ito para sa remake ng hit Mexicanovela.
Ayon sa aktor at producer, “Megan is beautiful. She's an amazing representative of the Filipino beauty and the Filipino women.” — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: fernandocarrillo
More Videos
Most Popular