GALLERY: Bubble Gang girls and their secrets to a 'bootyful' body
Itinuturing ng marami na mas sexy ngayon ang mga pigurang may laman tulad ng sexy and fit bodies ng Hollywood personalities na sina Beyonce, Kim Kardashian, Jennifer Lopez, at Nikki Minaj.
Dito sa Pilipinas, hindi nagpapahuli sa sexy figures ang female mainstays ng longest-running sketch comedy gag show na “Bubble Gang” na sina Andrea Torres, Max Collins, Rufa Mae Quinto, at Sam Pinto.
Proud ang “Juan Tamad” leading lady na si Max sa kaniyang pagiging big-boned, at ginagawa pa niyang firm ang pangangatawan sa pamamagitan ng ilang workout routines.
Aniya, “I just do cardio and stretching exercises to firm my already big built.”
Gayundin ang sikreto ng Kapuso actress na si Andrea Torres, na isa raw talaga sa focus ng exercises ang pag-tone ng butt muscles.
Hindi naman magpapatalo si Sam na aktibo rin sa iba't ibang sports, gaya ng surfing.
“Very toned now especially because of surfing, and then now I'm concentrating on the butt and the abs,” ayon sa sexy "Bubble Shaker."
Squats naman daw ang isa sa mga sikreto ng batikang aktres at komedyante na si Rufa Mae, na madalas ibinabahagi sa kaniyang social media accounts ang kaniyang fitness regime, gaya na lamang ng pagpunta sa gym, healthy eating, at active lifestyle.
-- Bianca Rose Dbu/Jessica Bartolome/FRJ, GMA News