ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

How Angelica and John Lloyd spent third anniv: spam, cheese, and pandesal


Sa kabila ng kaliwa't kanang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay, pinatunayan ng celebrity couple na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz na going strong sila kasabay ng pagdiriwang ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan.
 
Matatandaang nitong nakaraang buwan lamang, naging usap-usapan na nagkakalabuan sila at hindi pa nga raw sila nag-usap o nagkita man lang sa loob ng tatlong linggo na naging dahilan naman ng kanilang paghihiwalay.
 
Paulit-ulit nang itinanggi ng dalawa ang balita, at sinabing hindi na sila apektado ng mga ito.
 
Nitong Martes nga, ibinahagi ni Angelica sa kanyang Instagram account ang naging third anniversary celebration nila ni John Lloyd-- isang simpleng Pinoy breakfast na spam at cheese pandesal.
 
“This is how we celebrate ?????? #THREE 7/7/15,” ayon sa aktres sa caption ng naturang post.
 
 

This is how we celebrate ?????? #THREE 7/7/15

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 
 
Sa hiwalay na Instagram post, nagbahagi ng short but sweet message ang aktres sa kanyang kasintahan, kasama ang isang larawan kung saan tila nagkakatuwaan sila sa isang cafe.
 
Ayon kay Angelica, “Kaya ko maging totoo sayo. #THREE 7/7/15”
 
 

Kaya ko maging totoo sayo. ???? #THREE 7/7/15

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News