ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bida o kontrabida: Ano ang bagay na role kay Alice Dixson sa 'Mari Mar'?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kumpirmado na ang pagbabalik-Kapuso ng 45-year-old stunner na si Alice Dixson para makasama nina Megan Young at Tom Rodriguez sa remake ng hit Mexican telenovela na Mari Mar.
Sa mga Instagram post nitong Martes, ipinaalam na sa publiko ang pakikipagkita ni Alice sa ilang executive ng GMA para sa kabibilangan niyang programa.
“Alice Dixson will now be seen in GMA7 as she joins the cast of MARIMAR. Coming very soon!” ayon sa talent manager na si Popoy Caritativo.
Alice Dixson will now be seen in GMA7 as she joins the cast of MARIMAR. Coming very soon!
A photo posted by popoycaritativo (@popoycaritativo) on
Kabilang sa mga nakapulong na GMA executive ni Alice ay sina Senior Vice President for Entertainment TV Lilibeth Rasonable; Vice President for Entertainment TV Marivin Arayata; at Senior Program Manager Bang Arespacochaga.
Pero hindi pa muna inihayag kung ano ang role na gagampanan ni Alice sa Mari Mar-- kung siya ba ay magiging kakampi ng bida o kabilang sa mga magpapahirap sa buhay ng bida.
Ang 2013 Miss World na si Megan ang gaganap ngayong Mari Mar, habang si Kapuso hunk na si Tom Rodriguez ang gaganap na Sergio.
Kasama rin sa Mari Mar ang kapatid ni Megan na si Lauren na gaganap bilang kontrabidang si Antonia; habang ang Queen of Soul na si Jaya ang gaganap ngayon na nakakatawang sidekick ni Mari Mar na si Corazon.
Kasama sa star-studded cast ang batikang aktres na si Jaclyn Jose na magbibigay-buhay sa kinaiinisang kontrabida na si Senyora Angelica Santibañez..
Mapapanood din sa Mari Mar sina Candy Pangilinan, Solenn Heussaff, Ashley Cabrera, Maricris Garcia, Frank Magalona, Dion Ignacio, Ricardo Cepeda, Cris Villanueva, Carmi Martin, at marami pang iba.
Pinag-usapan rin nitong nakaraang linggo ang posibilidad na mapabilang sa cast ng “Mari Mar” ang Venezuelan actor at producer na si Fernando Carrillo na bumisita sa Pilipinas kamakailan.
REWIND: Gallery of FHM 2014 Victory Parade
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: alicedixson, marimar
More Videos
Most Popular