ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sexy at daring stars ngayon, lovable teen stars noon


Marami sa mga artista ngayon ang nagpapatunay sa matinding kompetisyon sa industriya ng showbiz. Ang iba sa kanila, kailangan magpalit ng image para makasabay sa uso at hindi mawala sa limelight.


 
Isa sa mga pinag-usapang “showbiz transformation” ay ang pagpapalit ng image ng dating teen star na si Roxanne Barcelo, na mas kilala na ngayon bilang si Roxee B.
 
Mula sa kanyang talento sa pagkanta at pagganap sa top-rated youth-oriented show na “Click” noong 1999 hanggang 2004,  at pagiging host ng kiddie shows gaya ng “Art Angel,” sumabak na ngayon ang aktres sa pagpapa-sexy sa pictorials, magazine covers, shows, at music videos.
 
Naging cover girl na si Roxee B.  ng FHM Philippine noong June 2014, at naging bahagi rin ng grupo ng mga artista na rumarampa sa taunang 100 Sexiest victory party ng nasabing men's magazine.
 


 
Marami rin ang nagulat sa pagpapa-sexy ng Kapuso actress na si Andrea Torres matapos siyang makilala bilang host ng informative teen-oriented magazine show na “Ka-Blog!” noong 2008 hanggang 2010.
 
Bago ang kanyang sexy at daring cover para sa December 2014 issue ng FHM, unti-unti na ring nag-mature ang roles na ginagampanan ng aktres. Kabilang na rito ang remake ng drama series na “Sana Ay Ikaw Na Nga,” at ang GMA Afternoon Prime series na pinagbidahan nila ni Mikael Daez, na “Ang Lihim ni Annasandra.”
 
Matagal raw pinaghandaan ni Andrea ang pagbabago ng image na ito, at masaya siya dahil marami ang patuloy na sumusuporta sa kanya.
 
“Matagal-tagal din na pagko-convince talaga kasi hinintay ko yung time na ready na ako kasi hindi naman puwedeng parang alanganin yung hitsura ko. Ngayon, ine-enjoy ko lang kasi parang nakakabuti naman siya sa career ko and natutuwa ako na marami naming nakaka-appreciate,” aniya.
 
 

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on



Gaya ni Andrea, tuloy na rin ang pagsabak sa pagpapa-sexy ng “Bubble Gang” mainstay at dating “Protege: The Battle for the Big Artista Break 2012” participant na si Arny Ross.
 
Naging cover na rin ng men's magazine na FHM si Arny nitong May 2015, at kabilang nga siya sa mga rumampa nitong nagdaang Sabado sa FHM 100 Sexiest list victory party at kauna-unahang FHM Bro-Con ngayong taon.
 
Ayon sa Kapuso artist, “Yes, I'm open to sexy roles but not daring. For me kasi, it's different. I can do sexy but hindi 'yung masyadong malaswa. May limitations pa rin, just like my cover (for FHM). Ang dami kong limitations doon.”
 

 
Kabilang rin sa hanay ng mga artistang sexy at daring na nagsimula sa pagiging sweet at cute na child o teen stars ang mga miyembro ng all-female group na “Viva Hot Babes” na sina Maui Taylor at Katya Santos, na unang nagkasama sa soap opera na “Anna Karenina” noong 1996.
 
Makaraan ang ilang taon, tuluyang iniwan nina Maui at Katya ang tweetums role upang ituon ang kanilang sarili at ang kanilang career sa sexy at mas mature na image.
 
Sa ngayon, pareho nang happy mom at wife ang dalawang sexy actress.
 
 

Salubong for Chinese New Year @mauilicious @antoniodelosreyes

A photo posted by Katrina Santos-Delos Reyes (@katyasantosdr) on



-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News