Sinong bet mo sa 8 semifinalists ng 'That's My Bae' contest ng Eat Bulaga?
Labis ang pasasalamat ng walong semifinalists ng "That's My Bae" contest ng Eat Bulaga sa suporta na kanilang natanggap at umaasa silang makaabot sa grand finals.
Sa "Starbites" report ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Huwebes, nagpa-sampol ng kanilang "Twerk It Like Miley" dance moves sina Joel Palencia, Miggy Tolentino, Josh Howard, Kenneth Earl Medrano, Michael Catayas, Daniel Aquino, Jay Arcilla at Ray Cataluna.
Bago pa man sumali sa contest, ilan sa kanila ay una nang nakilala sa social media dahil sa ginawa nilang dubsmash video ng Twerk It Like Miley gaya nina Kenneth at Jay.
"Feeling ko naman pogi ako so nagawa ko, nagustuhan ng mga tao, nag-viral, " ani Jay.
Ang Cebuanong si Kenneth, umabot sa 2.6 million views ang ginawang Dubsmash video.
At ang kaniyang ultimate dream, mapansin ng isang international tv show tulad ng show ni Ellen DeGeneres.
Ang half Pinoy, half Greek na si Michael, gusto namang sundan ang yapak ng kapatid na si Raymond Bagatsing. -- FRJ, GMA News