ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH: Sino ang bagong EB couple na tatalo sa Yaya Dub-Alden love team?
Naging patok sa mga manonood ang pagpapakilig ng “Eat Bulaga” Dabarkads na sina Alden Richards at Yaya Dub.
Dahil sa nakakatuwa nilang tambalan, nag-trending pa ang dalawa sa social networking sites.
Gayunpaman, naging kapansin-pansin rin ang paghadlang ng amo ni Yaya Dub na si Lola Nidora, na pumigil sa 'pabebe wave' sa pagitan ng namumuong tambalan.
Ngunit mukhang lalambot na ang puso ni Lola Nidora ngayong nakatagpo na rin siya ng kapareha. Alamin kung sino ang nagpapakilig sa kaniya, at kilalanin ang bagong couple na maaaring tumalo sa “DubDen” loveteam.
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular