Jake Vargas, labis na nami-miss ang pumanaw na ina
Halos apat na taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang ina ng Kapuso actor at “Pepito Manaloto” star na si Jake Vargas dahil sa sakit na colon cancer.
Pumanaw noong November 2011 si Mrs. Magdalena Vargas sa edad na 54, at hindi maitago ni Jake ang labis na pangungulila sa ina na nagdiwang ng kaarawan noong nakaraang linggo.
Saad ni Jake sa isang Instagram post ng larawan nila ng buong pamilya, miss na miss na niya ang kaniyang ina at hiniling nito na patuloy sana silang gabayan.
“Happy Birthday Mama! Salamat sa lahat ng suportang binigay mo sa aming magkakapatid. Miss na miss na kita, Ma. At syempre, mga kapatid ko rin, miss ka na nila," aniya.
Dagdag pa ng aktor, "Sana po lagi niyo kami gabayan sa lahat ng lakad namin. Lagi po akong nandito para sa inyo kahit saan man kayo mapadpad. Mahal na mahal kita, Ma. HAPPY BIRTHDAY po ulit."
A photo posted by Jhake Angelo Vargas (@imjhakevargas) on
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News