ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Arnell Ignacio at boyfriend na si Ken Psalmer, hiwalay na


Kinumpirma ni Arnell Ignacio na hiwalay na sila ng nobyong si Ken Psalmer ilang buwan lang matapos ang kanilang engagement noong June.

Sa Startalk nitong Sabado, August 1, sinabi ni Arnell na tila hindi seryoso si Ken sa long term relationship.


 
“Ako seryoso ako for a long-term relationship apparently, hindi siya seryoso," ayon sa singer-comedian.

Patuloy niya, “Ang hirap naman kasi na ikaw ang buung-buo ang dedikasyon na naka-focus ka sa kanya. Pagkatapos naggagaguhan lang tayo, di ba? Kaysa lumala pa na maging magkaaway kami, tigilan na lang."

Nakadagdag pa umano sa sama ng loob ni Arnell na may narinig siyang wala raw napala o nahita sa kaniya si Ken.

Bukod dito, nalaman umano ni Arnell na nagtataksin sa kaniya ang nobyo.

“Napuno na ako nung ikaw mahuhuli na nga kitang nanlalaki ka, uulitin mo pa, di ba? Ano ‘to, lolokohin mo lang ako nang lolokohin, ikaw pa ang nagagalit," ani Arnell.

Itinanggi ni Ken

Samantala, itinanggi naman ni Ken ang paratang na niloko at ginamit lang niya si Arnell.

“Siguro nasabi na lang niya yun kasi masama ang loob. Basta nag-usap na kami, sinabi ko naman sa kanya that time (na) lahat ng nalalaman niya tungkol sa buhay ko, nangyari ‘yon bago ko siya nakilala; lahat ng nabalitaan niya, nangyari 'yon bago kami naging kami,” paliwanag ni Ken.

Ayaw na raw niyang palakihin pa ang isyu at umaasa siyang mauunawan din ng publiko ang kaniyang sitwasyon na hindi lang siya ang may pagkukulang sa naging relasyon nila ni Arnell.

Dahil sa nangyari, napag-alaman na nagsolian na rin ng kanilang engagement ring ang dalawa na indikasyon na malabo sa ngayon na magkakabalikan sila.

Nakapag-move on na rin daw si Arnell sa nangyaring breakup nila ni Ken. -- FRJ, GMA News