ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
How Bianca King maintains sexy figure despite loving junk foods, lechon
Kilala bilang mga health buff ang magkaibigang TV hosts and actresses at best friends na sina Rhian Ramos at Bianca King, at bukod nga sa regular na page-exercise, isa rin daw sa mga sikreto ni Bianca ang balanse at healthy meals buong linggo, maliban sa weekends.
Hindi raw naniniwala ang aktres sa diet, at araw-araw lamang siyang kumakain ng healthy and balanced meals.
Kadalasan daw ay kumakain siya ng seafood, gulay, chicken, at mga pagkaing may good carbohydrates.
“Unang-una, balanse ako sa pagkain. Hindi uso sa akin ang pagdi-diet. Hindi ako naniniwala sa ganyan. Basta araw-araw, forever, balanse at healthy meals ang kinakain ko,” aniya.
Dagdag pa ni Bianca, “Kailangan maraming gulay, 'yun ang pinakaimportante. Good carbs din. Maraming nagsasabing hindi ka dapat mag-carbs, pero mali 'yun. 'Yun 'yung nutrients na nakukuha mo sa kanin, pasta, or bread. Okay lang mag-rice, pero mas maganda 'yung brown rice, red rice, black rice. Hindi rin ako masyadong kumakain ng karne lalo na 'yung taba. Mahilig ako sa fish, seafood, chicken, tapos minsan-minsan lang ang beef, at 'yung pork kapag lechon lang galing Cebu,”
Sa kabila nito, nagkakaroon pa rin daw ng cheat days si Bianca tuwing Sabado at Linggo, kung saan pinagbibigyan niya ang sarili at kinakain ang anomang gustuhin niya, gaya na lamang ng iba't ibang junk foods at lechon Cebu.
Paliwanag niya, “Talagang kaing-baboy. Lahat ng junk food na gusto ko, kinakain ko.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: biancaking
More Videos
Most Popular