ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Barbie Forteza 'adopts a room' in children's hospital to celebrate 18th birthday


Imbes na magdaos ng isang grand debut para sa selebrasyon ng kaniyang 18th birthday, pinili ng “The Half Sisters” star na si Barbie Forteza na ibahagi ang kaniyang mga natatanggap na biyaya sa mga batang may sakit sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
 
Dahil malapit ang puso ni Barbie sa mga bata, nakibahagi ang aktres sa “Adopt-a-Room' program ng nasabing ospital sa Diliman, Quezon City, kung saan nabigyan siya ng pagkakataong i-renovate ang isang lumang private room upang maging isang special private room para sa paying patients.
 
Ang malilikom na bayad sa naturang private rooms ay magiging daan naman upang magkaroon ng mas maraming pondo para sa “charity rooms,” kung saan naka-confine naman ang mga underprivileged o mahihirap na batang pasyente.
 
Apat na taon nang ipinagdiriwang ng aktres ang kaniyang kaarawan sa PCMC, at wala raw siyang balak na putulin ang tradisyong ito.
 
“Enough na sa akin na makita yung mga bata na tuwang-tuwa. At least kahit man lang sa ganung maliit na paraan, makasama ko sila, nakilala ko silang lahat at naki-celebrate sila sa akin. Para sa akin, talagang priceless na ‘yon,” aniya.
 
Napili ng Kapuso teen actress ang Room 209 sa PCMC, at sa tulong ng United Architects of the Philippines (UAP) Makati Chapter at ilan pang sponsors ay natapos na ang renovation ng naturang silid ngayong linggo.
 
Nitong Huwebes, ipinakita na sa publiko ang fully-renovated Room 209, na personal na dinisenyo ni Barbie para sa mga kabataan ng PCMC.
 

 

????????????????????????

A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


 
 

Quotes by B.A. Forteza

A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


 
Bukod sa pakikibahagi sa “Adopt-a-Room” program, pinasinayaan din ni Barbie kamakailan ang “Donate for PCMC” campaign kung saan inaanyayahan niya ang lahat na mag-donate ng ano mang tulong para sa mga kabataan sa naturang ospital.
 
“Kung hihingi ako ng regalo sa kanila, para rin po sa mga bata talaga. Itong birthday ko po, para sa mga bata lahat. Kung papabonggahin ko man, para rin po sa mga bata,” ayon sa teen actress sa kaniyang birthday press conference noong nakaraang linggo.
 
Bukod sa GMA Afternoon series na "The Half SIsters," abala rin ngayon ang 18-year-old Kapuso star sa ilang mga pelikulang pagbibidahan, gaya ng indie film na, “Mga Isda sa Tuyong Dagat.” 
 
Mapapanood rin si Barbie simula ngayong Linggo sa pinakabagong weekend show na “Sunday Pinasaya!” kasama sina Marian Rivera, AiAi Delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, at marami pang iba. -- FRJ, GMA News