ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Natuloy kaya ang kiss?

Finale ng 'The Rich Man's Daughter', nag-trending


Gaya nang inaasahan, tinutukan ng mga Kapuso sa telebisyon at pinag-usapan ng netizens ang pagtatapos ng "The Rich Man's Daughter" nitong Biyernes ng gabi. Bukod sa ending ng pag-iibigan nina Jade at Althea, inabangan din kung mayroong kissing scene sa finale ang mga bidang sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.



Sa Twitter, nag-top trending top ang #TRMDFinale.



Pinuri nila ang maganda at masayang pagwawakas ng istorya kung saan nagkaroon ng ikalawang pagkakataon ang pag-iibigan nina Jade (Rhian) at Althea (Glaiza). Gayundin ang pagkakatanggap ng pamilya kay Jade.

Magaang din sa loob ng marami ang pagkakasundo at pagpapatawad nina Althea at Mang Oscar na ginagampanan ni Al Tantay.

Gaya nang inaasahan, marami ang nag-aabang kung magkakaroon ng kissing scene sina Rhian at Glaiza sa dalawang magkahiwalay na eksena pero hindi naganap.









Sakabila nito, umaasa ang ilang netizens na may lalabas na DVD version ng "The Rich Man's Daughter" at maipakita rito ang mga eksenang hindi maaaring ipakita sa telebisyon.


 
-- FRJ, GMA News