WATCH: Eksenang hinimatay si 'Yaya Dub' sa kalyeserye ng Eat Bulaga!
Ini-upload sa Eat Bulaga Facebook fan page ang eksena nang kasal ni Yaya Dub kay Frankie sa kalyeserye #Kiligpamore nang bigla itong himatayin. Ang inakalang parte ng kalyeserye, totoo na pala.
Pero dahil na rin sa pagiging propesyunal nina Jose "Frankie" Manalo at Wally "Lola Nidora" Bayola, ipinagpatuloy nila ang eksena habang nilalapatan ng paunang lunas si Maine "Yaya Dub" Mendoza.
Marami sa mga manonood ang nag-akala na bahagi pa rin ng eksena ang lahat.
Pero kapuna-puna na ilang beses ding tinawag nina Jose at Wally at tunay na pangalan ni Yaya Dub sa gitna ng pangyayari.
"Bumulong siya ng 'kuya'... `Tapos humawak nang mahigpit --- `yon na. Nawalan na ng malay." - Jose ManaloMamaya mga Dabarkads bibigyan namin kayo ng update sa kalagayan ni Yaya DUB.
Posted by Eat Bulaga on Saturday, August 8, 2015
Sa text message sa GMA News Online nitong Sabado, sinabi ni Malou Choa-Fagar, isa sa mga producer ng Eat Bulaga, na hindi mabuti ang pakiramdam ni Maine kanina.
Gayunman, tiniyak niya na mabuti na ang kalagayan ni Yaya Dub.
Bago nito, nag-post din si Maine sa kaniyang Twitter account bago ang insidente na sadyang masama ang kaniyang pakiramdam.
Woke up feeling extremely weak today.. Pati yung system ko nawalan ng gana sa ganap mamaya ????
— Maine Mendoza (@mainedcm) Agosto 8, 2015Sa Startalk nitong Sabado ng hapon, sinabi ni Alden Richards na nalaman niya na maraming nag-tweet at nagtatanong sa kalagayan ni Yaya Dub.
Batay sa natanggap niyang impormasyon, nasa mabuting kondisyon na umano si Yaya Dub. -- FRJ, GMA News