Filtered By: Showbiz
Showbiz
#AlDubFromTheStar

Fans pitch 'My Love from the Star' remake starring Alden and Yaya Dub


Kasabay ng patuloy na pagsikat ng 'Kalye Serye' nina Alden Richards at Yaya Dub, marami na ang hindi makapaghintay sa kanilang pagkikita sa naturang segment ng “Eat Bulaga.”
 
Marami na rin ang naghahangad na magkaroon pa ng mas maraming projects sa TV at pelikula ang AlDub love team.
 
Dahil dito, gumawa ang fans ng love team sa telebisyon ngayon ng isang trailer para sa remake ng hit Koreanovelang “My Love from the Star,” kung saan gagampanan nina Alden at Yaya Dub ang karakter ng mga bidang sina Matteo Do at Steffi Cheon.
 
 

Kahapon lang 150K tayo, ngayon 160K Likes (y) na! :)The wait is over. Dahil ang minahal at kinabaliwan ng buong...

Posted by Aldub on Saturday, August 8, 2015
 
Ang mga clips na ginamit para sa naturang trailer ay hango sa music video ni Alden at sa debut video ni Maine.
 
Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 175,000 likes ang fanpage ng AlDub loveteam sa Facebook, habang nagkaroon naman ng halos 20,800 likes at 4,350 shares ang fanmade trailer. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News