ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin Padilla responds to Maria Ozawa's 'unprofessional' statement


Nitong Martes, ipinaalam ng kampo ni Robin Padilla sa publiko ang kaniyang desisyon na umatras sa pagbibidahan sanang horror-action film na "Nilalang," kung saan magiging leading lady sana niya ang Japanese adult video star na si Maria Ozawa.

READ: Robin Padilla backs out of horror film with Maria Ozawa
 
Kasunod nito, naglabas naman ng pahayag si Maria at tinawag niyang “unprofessional” si Robin dahil sa pag-pullout nito sampung araw bago ang nakatakdang unang araw ng shooting.

READ: Maria Ozawa calls Robin Padilla 'unprofessional'

Maraming tagasuporta ni Robin ang hindi natuwa sa naging pahayag ng Japanese actress, lalo na't ang dahilan sa likod ng pag-atras ni Robin ay ang kagustuhan ng aktor na matutukan ang pag-aalaga sa kaniyang asawa na si Mariel Rodriguez, na kasalukuyang nagdadalang-tao sa ikalawang pagkakataon matapos makunan noong Marso.

READ: ‘Nilalang,’ posibleng 'di na mapanood sa MMFF dahil sa pag-atras ni Robin
 
Gayunpaman, sinabi ng batikang action star na tanggap ng kanilang kampo ang pagkadismaya ni Maria at nararapat na hayaan siyang ihayag ang kanilang saloobin.
 
Aniya sa isang Facebook post ni Robin, “All has the right to speak and fight for anything that they believe in. You have expressed your thoughts already and displayed your undying support to my wife loudly... My dear fellow Mariel loyalist, my little sisters in the Katipunan, it wil be wiser for you to stop first because, truly, our camp is at fault. Let the camp of Ms. Maria Ozawa voice out their pain. It's natural, it's organic.”
 
Hiniling niya rin na ipagdasal na lamang ng lahat ang kapakanan ng kaniyang asawa at ng ipinagbubuntis nito, na maaari umanong maging triplets.

 

"All has the right to speak and fight for anything that they believe in. You have expressed your thoughts already and...

Posted by Robin Padilla on Tuesday, August 11, 2015

 
-- FRJ, GMA News