ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBTRUELOVEWAITS

Netizens, nakisimpatiya kina Rogelio, Rogelio, Rogelio sa pagpaparusa ni Lola Nidora


Top trending topic na naman ngayong Lunes ang kalye-serye ng Eat Bulaga, with #AlDubTrueLoveWaits emerging as the top trend in the Philippines.
 
Pero hindi lamang ang kinakikiligang love team nina Alden Richards at Yaya Dub ang naging usap-usapan sa social media. Naging paksa rin ng mga tweets at Facebook comments ang pagtrato ni Lola Nidora sa kaniyang grupo ng mga bodyguards na sina Rogelio, Rogelio, Rogelio.
 
Pinarusahan ni Lola ang kaniyang mga alipores matapos ang hindi pagsunod ng mga ito sa kaniyang mga utos.
 
Push-up. Sit-up. Bunong-braso. 'Yan ang naging parusa ni Lola kina Rogelio, Rogelio, Rogelio, na nakatikim pa ng sampal mula kay Frankie Amoy Arinoli.
 
WHO IS YOUR FAVORITE KALYESERYE CHARACTER?
 
 
 
 
 
 
 
 
Pero ang mga matitipunong bodyguard, nakakita ng kakampi mula sa ilang netizens.
 
Ani Rochelle Ibardaloza-de Lara sa GMA News Facebook page: "SANA DI MASYADO MADAHAS ANG PINAKIKITA NI LOLA NIDORA AND FRANKIE SA MGA ROGELIOS."
 
Dagdag naman ni Tricia Marie: "Opo nga eh kahit joke lang nakakaawa pa rin."
 
Tanggol naman ni Clarissa Nido kay Jose Manalo, na gumaganap bilang Frankie: "Di nmn siguro masakit un!! Halata nmn pigil parin ung sampal n jose! Heheh pero nakakaawa nga cla."
 
Pero si Wincee Jae, tila walang problema sa pinakabagong kabanata: "ganyan tlaga sa palabas may konting twist para maiba nman at napagbalingan ang tatlong Rogelio..hindi nman madahas ksi may dalang comedy." —JST, GMA News