ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'NANDITO LANG SI MAMA, ANAK'

AiAi delas Alas comforts son on death of his biological father


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pumanaw na nitong Linggo si Rey Maltezo dela Cruz, ang biological father ng panganay na anak ni Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas na si Sancho Vito. 
 
Ikinalulungkot ni Sancho at AiAi ang pagpanaw ni Rey dahil nagsisimula pa lamang umanong mapalapit ang loob ng mag-ama sa isa't isa.
 
Pahayag ng Kapuso artist, “Gusto ko lang magpasalamat at nabigyan ako ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito dahil sa'yo at siyempre kay mama. Nakakalungkot lang kasi kung kailan naman tayo nagkaayos at nakakapagusap ng bongga, doon ka naman kinuha.”
 
Kasunod nito, nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay ang “Sunday Pinasaya!” star sa kaniyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post.
 
Ayon kay AiAi. “Nandito lang si mama, anak. Alam ko malungkot mawalan ng magulang pero ang buhay ay ganyan.”
 
 
Hindi pa tiyak ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Rey, pero sa pagkakaalam ni AiAi ay matagal nang may karamdaman ang ama ni Sancho.
 
Theater actor si Rey nang magkakilala sila ni AiAi at nagbunga ang kanilang relasyon.
 
Kahit estranged sila sa matagal na panahon, plano ni AiAi na dumalaw sa burol ni Rey para magbigay ng respeto sa ama ng kanyang anak. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News