ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Patrick Garcia and family present in Jennylyn Mercado's son Jazz' 7th birthday
Ipinagdiwang ni Alex Jazz, anak ng “My Faithful Husband” star na si Jennylyn Mercado, ang kaniyang 7th birthday nitong linggo sa pamamagitan ng isang bonggang party na may temang “Born to Rock.”
Bukod sa mga kaibigan ni Jen gaya nina Sheena Halili, Yasmien Kurdi, Melai Cantiveros, Jason Francisco at ilan pang non-showbiz friends, dumalo rin sa party ang dating kasintahan ng aktres at ama ni Jazz na si Patrick Garcia.
Kasama ni Patrick ang kaniyang asawa na si Nikka Martinez at ang kanilang baby girl na si Chelsea.
Love love love ? #jazzyturns7 #jenandjazz
A photo posted by Team Jennylyn Mercado (@teamjennylyn) on
A photo posted by Nikka Martinez-Garcia (@nikkamgarcia) on
Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Jen at Patrick matapos maghiwalay noong 2008 habang ipinagbubuntis ng aktres si Jazz, ngunit nagkaayos rin makaraan ang ilang taon para sa ikabubuti nila at ng kanilang anak.
Sa katunayan, bukod sa ilang bonding moments kasama si Nikka at Chelsea, pinayagan rin ng aktres si Alex Jazz na dumalo sa kasal ni Patrick at Nikka nitong nakaraang Marso.-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: jennylynmercado
More Videos
Most Popular