advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Gonzales shares name of first baby


Ibinahagi na ng television host and actress na si Bianca Gonzales ang magiging pangalan ng unang anak nila ng asawa at PBA player na si JC Intal.
 
Sa isang Instagram post nitong Martes, ipinakita ni Bianca ang kaniyang "Welcome Home" message para kay JC matapos itong pumunta sa ibang bansa para sa pag-eensayo ng Gilas Pilipinas na lalahok sa FIBA Championship 2015 sa susunod na buwan.
 
“Welcome back!!! We missed you! We are so proud of you!” ayon kay Bianca.
 
Sa hiwalay na Polaroid shot, isinulat ng TV personality ang mga katagang “Go Daddy! (love) Lucia.”
 
 

????

A photo posted by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca) on

 
Matatandaang nitong Abril lamang, inianunsyo ng mag-asawa na ipinagbubuntis na ni Bianca ang kanilang unang anak.
 
 
Pitong buwan nang buntis si Bianca at isa siya ngayon sa mga nagsusulong ng healthy at fit lifestyle para sa mga pregnant women sa pamamagitan ng doctor-approved exercises gaya ng swimming, pilates, yoga, at iba pa. —Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News
LOADING CONTENT