ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
NETIZENS MAY HINALA KUNG SINO

Sino ang triplet nina Nidora at Tidora?


Sa pagkakabunyag na mayroong triplet sina Lola Nidora at Tidora na siyang ina ni Yaya Dub, may naisip na kaagad ang mga tagasubaybay ng kalyeserye ng "Eat Bulaga" kung sino ito.

Sa pagpapatuloy ng kalyeserye nitong Miyerkules, isiniwalat ni Tidora na pamangkin nila ni Nidora si Yaya Dub, at kakambal nila ang ina nito.

Wala si Yaya Dub at iniwan ni Nidora sa mansion kaya hindi niya kaagad nalaman ang sikreto na itinago sa kaniya.

Bagaman hindi pa batid kung sino ang triplet nina Nidora at Tidora, may hinala na ang netizens kung sino ito.








—FRJ, GMA News