Bakit humanga ang dabarkads sa 'Sugod-Bahay' winner na isang Japanese?
Isang Japanese na nakapag-asawa ng Pinay at nagkaroon ng tatlong anak ang mapalad na napiling "Sugod-Bahay" winner sa Eat Bulaga nitong Biyernes.
Sa pagtatanong ng Eat Bulaga hosts na sina Jose, Wally at Paolo, nalaman nila na 14 na taon nang pabalik-balik sa bansa ang Sugod-Bahay winner na si Miyura Kim sa Sampaloc, Maynila.
Dating lumalabas daw bilang "extra" sa telebisyon si Kimura na nakapag-asawa ng Pinay at nagkaroon ng tatlong anak -- dalawang babae at isang lalaki.
Noong 2010, binawian ng buhay ang asawa ni Miyura dahil sa food poisoning mula sa nakain nilang street food. Dahil dito, naiwan sa kaniya ang tatlo nilang anak na ang panganay ay 14-anyos na ngayon.
Ngunit taliwas sa kadalasang kuwento na inaabandona o iniiwan ng mga Hapon ang isang babae kapag naanakan na nila, pero hindi si Kimura.
Bagaman wala siyang hanapbuhay sa Pilipinas dahil mayroon na siyang karamdaman, hindi raw niya maiwan ang kaniyang tatlong anak.
Nakakatanggap daw siya ng pera mula sa kaniyang kaanak sa Japan pero nauubos din ito na pambayad nila sa utang. Katunayan, natigil na sa pag-aaral ang dalawa niyang anak na babae.
Nais daw ni Kimura na madala ang mga anak sa Japan pero wala siyang sapat na pera upang ipanggastos sa pagproseso sa mga dokumento ng mga bata.
Hindi napigilan ng panganay na anak na maiyak nang pasalamatan ang ama dahil hindi sila iniwan nito.
Bukod naman sa cash at goods na natanggap na Kimura bilang winner sa "Sugod-Bahay," nangako rin ang Eat Bulaga na tutulong sa kaniya para maiproseso ang mga kailangang dokumento ng mga bata.
Ang mga netizen, nag-post ng mensahe ng kanilang paghanga kay Kimura at sa Eat Bulaga.
@mainesadmirer just like what happen now in sugod bahay God send EatBulaga to help Mr. Kim's Family.. #ALDUBGettingCLOSER
— ALDEN-MAINE-Fanatic (@jesylva) August 28, 2015 I salute the winner of the sugod bahay for not leaving his children.@EatBulaga thank u for helping them! I salute you! #ALDUBGettingCLOSER
— Jean Francis (@jean_dtraveler) August 28, 2015 Napaka-deserving talaga ng Sugod Bahay winner today. Thanks, God! :) #ALDUBGettingCLOSER
— #MaineForever™ (@ELM1024) August 28, 2015 Kumurot sa ating mga puso ang istorya ngayon, sa nanalo sa sugod bahay. #ALDUBGettingCLOSER
— Maine's Admirers! (@mainesadmirer) August 28, 2015 Deserve na deserve ni Kuya Miyura Kim yung pagkabunot sa kaniya sa Sugod Bahay!He never left his kids kahit walang pera. #ALDUBGettingCLOSER
— ALDUB DAVAO™ (@ALDUBawenyo) August 28, 2015-- FRJimenez, GMA News