ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Para di sila magkita ni Alden?

Kinaroroonan ni Lola Nidora, isinikreto kay Yaya Dub?


Marami sa mga tagasubaybay ng kalyeserye ng Eat Bulaga ang nagtanong kung nasaan si Lola Nidora matapos maiba ang kaniyang lokasyon mula sa mga kakambal niyang sina Lola Tidora at Lola Tinidora.

Bagaman sinasabing nasa Maynila sina Tinidora at Tidora habang kasama nila si Yaya Dub,  hindi naman masabi kung nasaang lugar si Lola Nidora.

Sa unang pagkakataon, naging three-way split screen ang kalyeserye na dating dalawa lamang dahil sa lokasyon naman ni Alden na nasa Broadway studio.

Mula sa Broadway, pinasundo ni Lola Nidora si Alden para dalhin sa sikreto niyang lokasyon para malaman kung nagawa ng binata ang challenge niya na magdala ng pinangat mula sa Bicol.

Nakaramdam naman ang ilang Aldub followers na "hopia" o hindi pa ito ang tamang panahon para magkita sina Alden at Yaya Dub.

Saan kaya dadalhin ng mga Rogelio x3 si Alden?? #ALDUBMaiDenHeaven pic.twitter.com/JvmpWjhA6w

— Eat Bulaga (@EatBulaga) August 29, 2015

-- FRJ, GMA News
Tags: aldub, kalyeserye