ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBWishIMaine

Yaya Dub, beast mode sa selos sa rehearsals ni Alden with the EB Babes


Hindi pa nagkikita, may LQ na?

Tila kasi beast mode si Yaya Dub sa pagseselos nang makita si Alden na nagre-rehearse para sa kaniyang number sa Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More wildcard round ngayong Sabado.



Ang ipinagngingitngit ni Yaya, hindi siya pinapansin ni Alden habang sumasayaw kasama ang EB Babes.

Banat tuloy ni Lola Nidora: "Iba ang contest sa TV sa contest sa pag-ibig."

Pero agad namang humingi ng tawad si Alden kay Yaya.

Sa simula, ayaw tanggapin ni Yaya ang mga apology at paliwanag ng binata.

Pero nang kalaunan, pumayag na rin ang dalaga.

Ang mga fans naman, natuwa sa reaksyon ni Yaya.



- JST, GMA News