ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub kalyeserye recap: Kilig overload week


Nagsimula sa rebelasyon tungkol sa tunay na ina ni Yaya Dub ang linggo ng kalyeserye ng Eat Bulaga, pero nagtapos ito sa hindi malilimutang unang personal na pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza, aka Yaya Dub.

Bago nga pagsisiwalat sa kung sino ang tunay na ina ni Yaya Dub na si Isadora, nagpakilig muna sina Alden at Yaya Dub, na tuwang-tuwa sa naging premyo mula sa challenge ng binata nitong nakaraang Sabado.



Sa sumunod na araw, isang nagpakilalang Isadora na nanay umano ni Yaya Dub ang lumabas sa kalyeserye pero tila hindi kumbinsido rito si Lola Nidora.



Labis naman ang tuwa ng AlDub fans nang bumalik noong Miyerkules ang karakter ni Yaya Dub at masilayan muli ang ngiti nila ni Alden. Matapos magpaalam si Lola Tidora na aalis na at babalik na sa Amerika, pinayagan din ni Lola Nidora si Yaya Dub na sumali sa segment na Bulaga Pa More.



Sa kanilang weeksary noong Huwebes, nagpista ang mga langgam sa "sweetness" ng palitan ng mensahe nina Alden at Yaya Dub.



Hindi naman naiwasan na nagkaroon ng LQ o lovers' quarrel sina Alden at Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong Biyernes dahil sa pagiging abala nila sa pag-ensayo sa "Bulaga Pa More."



At nitong Sabado, bitin man ang AlDub fans na hindi lubos na nagkalapit sina Alden at Yaya Dub, masaya naman ang lahat sa unang pagkakataon na personal nilang masilayan ang isa't isa. Pero ikinagalit ito ni Lola Nidora dahil sinira ng dalawa ang kanilang pangako.

Palaisipan din kung sino ang dalawang nakamaskarang lalaki na dumukot kay Yaya Dub.



-- FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye, aldub