ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden considers his late mom his guardian angel
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kasabay ng tuloy-tuloy niyang pagsikat ngayon, hindi maiwasang malungkot ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards dahil hindi na naabutan ng kaniyang ina ang lahat ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon bilang isang artista.
Pumanaw ang ina ng aktor na si Rosario Faulkerson dahil sa chronic pneumonia na hindi na naagapan.
Sa kabila nito, ginagawa pa ring inspirasyon ni Alden ang pumanaw niyang ina upang lalong pagbutihin ang kaniyang pagiging isang artista, lalo na at ito ang pangarap ng ina para sa kaniya.
Ibinahagi ng Pambansang Bae sa panayam sa Unang Hirit na ang kaniyang ina ang naging dahilan kung bakit niya pinasok ang mundo ng showbiz.
Aniya, “Ito pong pag-aartista talagang dream po ‘to ng mom ko for me so sabi ko, ayokong masayang. Kumbaga, parang ito ‘yung legacy niya on me. This is her legacy and I’m doing this for her still.”
Itinuturing raw niyang guardian angel ang kaniyang ina, kaya naman nakakayanan raw niya ang lahat ng mga pagsubok na hinarap niya at patuloy niyang hinaharap.
“Nagpapabebe wave ako. 'Ma oh, sayang hindi mo naabutan ‘to.' Pero I’m sure wherever she is now, she is very happy and kumbaga, parang mas lumakas ‘yung kapit ko kay Lord kasi siya na ‘yung direktang nagsasabi. Kumbaga siya na ‘yung guardian angel ko eh,” pagpapatuloy ng "Sunday Pinasaya" star at "Eat Bulaga" Dabarkads.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbuhos ng suporta kay Alden kasabay ng mainit na pagtanggap sa tambalan nila ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga.
Hanggang ngayon ay naooverwhelm pa rin daw ang aktor sa lahat ng nangyayaro sa kaniyang career, at nagpapasalamat siya sa mga walang humpay na nagpapaabot ng pagmamahal at suporta.
Ayon kay Alden, "Ang gusto ko po mag-sink in sa akin ngayon ‘yung dami ng sumusuporta po sa akin, ang daming supporters, ‘yung dami ng fans na naniniwala na nagtatanggol sa akin. Sa lahat ng mga negativity at 'tsaka ‘yung sumusuporta po sa lahat ng ginagawa ko, ‘yun po ang gusto ko i-sink in.”
“I’m enjoying what I am doing. I’m enjoying to give people joy and laughter and kilig everyday. So siguro ‘yun po. That’s what keeps me going, ‘yung happy disposition po," dagdag pa niya. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: aldenrichards, aldub
More Videos
Most Popular