ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden, ikinuwento ang naramdaman nang makita sa unang pagkakataon si Yaya Dub


Inamin ni Alden Richards na labis ang kasiyahan niya nang makita nang personal sa unang pagkakataon si Maine "Yaya Dub" Mendoza noong Sabado. Pero hindi raw niya inasahan na mayroong haharang na plywood sa naturang eksena noong Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni Alden na itinago niya ang naramdamang saya nang sandaling iyon.



“Natuwa ako sa pagkikita namin noong Saturday. Parang natawa ako inside, natatawa rin siya. Pero siya hindi matago kasi parang yung after seven weeks nakita mo siya," kuwento ng binata.

Nang tanungin kung kinilig ba siya, mabilis na tugon ni Alden, "Sinong hindi kikiligin?”

Sa callout na ginawa ni Nelson sa social media para makakuha ng tanong mula sa "AlDub" fans, game na sinagot ni Alden kung ano ang unang gagawin niya at saan niya idi-date si Yaya Dub.

“Dadalhin ko siya sa ano theme park. Kasi parang ako I’m a fun person and Yaya Dub is a fun person as well. So doon na lang para at least kumbaga walang boring moments," aniya.

At ang una raw niyang gagawin, "Siyempre, pabebe wave."

Ibinahagi rin ni Alden na hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari sa kaniyang career at natatanggap na mga biyaya.

Dalawang buwan pa lang mula nang mabuo ang "ALDub" love team, nakuha na kaagad sila para sa commercial ng isang kilalang fastfood chain.

Pag-amin ni Alden, hindi niya inaasahan ang nakakamit na mga biyaya.

“Actually it’s more than what I expected, more than what I ask for kay Lord. More than what I ask for my life, for the life of everyone around me," aniya.

Patuloy pa ni Alden, "Parang ang sarap lang sa pakiramdam na, ang sarap palang maging blessed. Ang sarap ng pakiramdam na kuntento ka kung ano'ng mayroon ka. Kasi 'pag kuntento ka with what you have, doon ka pa bibigyan ng mas marami.” -- FRJ, GMA News

Tags: aldub, kalyeserye