ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

KPop group, nag-sample ng Pinoy song na 'Pusong Bato'


Ilang KPop group ang nasa bansa ngayon para magtanghal kabilang na ang balik-bansa na "Fameus."

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, nagpakitang gilas pa ang grupo sa pagkanta ng ilang Tagalog songs tulad ng "Pusong Bato."



Ikatlong pagkakataon na raw nilang makarating sa bansa at enjoy sila sa mga pagkaing Pinoy.

Pero hangad daw nilang makapunta sa Boracay para makapagbakasyon.

Samantala, first time naman sa bansa ng all-girl group na Asha, at excited na raw silang magpeform sa kanilang Pinoy fans.

Nakatakda silang magtanghal sa Maynila at Davao.

Samantala, kung "pabebe" wave ang sikat ngayon sa Pilipinas, ipinakita naman ng KPop group ang "aegyo" wave o cute pose na sikat naman sa Korea. -- FRJ, GMA News