ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBTheTRIALS

Kalyeserye Recap: Yaya Dub, nagsalita na?


Narinig na nga ba ang tinig ni Yaya Dub?
 
'Yan ang tanong nga mga Dabarkads ngayong Lunes sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
 
Pero bago pa man makumpirma ito, nakitang nahimatay si Yaya, na dinala ng mga Rogelio sa ospital.
 
Nag-umpisa ang episode sa pag-alala ng mga tao kung nasaan na si Yaya, na huling nakita noong Sabado bago maaksidente pagkatapos ng date nila ni Alden.
 
Kaya naman lubos ang saya nga mga Dabarkads at ng studio audience nang biglang lumitaw si Yaya, na sumayaw pa ng "Fantastic Baby."
 
Nagkaroon pa siya ng pagkakataong makipagpalitan ng signs ni Alden, at kapwa umamin ang dalawa na bitin sila sa kanilang sandaling date.
 
Pati si Lola Nidora, umamin na kinikilig na siya sa AlDub.
 
Pero bago pa man magpatuloy, may isang tinig na tumawag ng "Lola!"
 
Boses na nga ba ito ni Yaya Dub? Abangan sa pagpapatuloy ng kalyeserye sa Martes sa Eat Bulaga. —JST, GMA News