ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBNextChapter
Kalyeserye Recap: Yaya Dub, muling nagsalita?!
"Lola, lola, Alden, Alden."
'Yan ang mga katagang binitiwan ni ng isang misteryosong boses sa telepono sa pagpapatuloy ng kalyeserye sa Eat Bulaga ngayong Martes.
Ang tanong tuloy ni Gasgas: Tuluyan na kayang nakakapagsalita si Yaya Dub?
Bago nito, nagbigay muna si Lola Nidora ng health update para kay Yaya, na hinimatay sa set ngayong Lunes.
Ipina-X-ray daw ni Lola si Yaya, na nakitaan ng tama ng mga doktor.
"May tama sa puso," ani Lola. "May tama sa 'yo Alden."
Sabay tanong ng matanda: "Ikaw Alden, may tama ka ba?"
Sagot ni Alden: "Malakas po!"
Upang mapatunayan ito, namili si Alden ng mga prutas na request ni Yaya mula sa telepono.
Bumili pa si Alden ng pahabol na flowers, cake, at turon para sa kaniyang iniirog.
Tanong pa ni Alden kay Lola: "Pwede po ako magdala ng personal?"
Hindi naman ito pinayagan ni Lola, dahil bilin daw ng doktor na bawal ang bisita para kay Yaya.
Pero pagkatapos nito, tumawag ulit si Yaya kay Lola at narinig na ang misteryosong boses.
Ano pa kaya ang sasabihin ni Yaya? Abangan ngayong Miyerkules sa Eat Bulaga. —JST, GMA News
More Videos
Most Popular