advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart Evangelista gives a sneak peek of her first children's book  


Ipinasilip na ng Kapuso actress at “Beautiful Strangers” star na si Heart Evangelista ang children's book na ginagawa niya kasama ang kaibigang at young handcrafted bag designer na si Rocio Olbes.
 
Si Heart ang nagsilbing illustrator ng librong “Daughter of the Sun and Moon” habang si Olbes naman ang nagsulat ng kuwento.
 
Ayon kay Heart, magsisilbing charity book ang naturang libro at iaalay nila ang magiging kita nito sa mga overseas Filipino workers na naging biktima ng iba't ibang uri ng pang-aabuso.


 
Ire-release sa mga pangunahing bookstores ang “Daughter of the Sun and Moon” sa darating na Nobyembre.
 
Bukod dito, inilalaan na rin ni Heart ang kaniyang oras sa pagpipinta sa ilang designer bags niya at ng kaniyang mga kaibigan.
 
Tampok ang kaniyang artworks sa iba't ibang designer bags gaya ng Hermes at Prada.
 
Samantala, magkakaroon din si Heart ng gala para sa kaniyang project kasama ang fashion designer na si Mark Bumgarner kung saan ipakikita sa publiko ang ilang designer gowns na mayroong hand-painted designs mula sa aktres.
 
Mapapanood si Heart gabi-gabi sa GMA Primetime teleserye na “Beautiful Strangers.” -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
LOADING CONTENT