ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may pangalan na sa kanilang bagong baby


Pinayuhan ng duktor si Judy Ann Santos na mag-bed rest muna kaugnay ng kaniyang pagbubuntis na nasa ikalimang buwan na.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing balik na sa trabaho si Ryan isang linggo mula nang magbakasyon sila ni Judy Ann sa Turkey.



Samantala, pagkaraan ng bakasyon ay balitang naka-bed rest naman si Judy Ann na nasa ikalimang buwan ng kanyang pagbubuntis.

Ayon kay Ryan, pinayuhan din si Judy Ann noon na magpahinga nang ipinagbuntis nito ang isa pa nilang anak na si Lucho.

Kuwento ni Ryan, nag-away sila noon ni Judy Ann dahil kahit pinag-bed rest daw ito ay nakita niyang nagmamasa ng tinapay sa kanilang bahay.

Kaugnay nito, sinabi ni Ryan na may napili na silang pangalan sa padating nilang baby.

"Si Yohan kasi ang buong pangalan Yohanna Lois, si Lucho, Juan Luis, our third baby, her name will be Juana Luisa and her nickname will be Luna," pagbahagi ni Ryan. -- FRJ, GMA News