ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub merchandise na patok na patok sa fans ng kalyeserye


Patunay sa tuloy-tuloy na pagsikat ng phenomenal love team na AlDub ang kanilang loyal fans na binansagang AlDub Nation, na hindi lamang matatagpuan sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang sulok ng mundo kung saan may Pilipino.
 
Bukod sa pagsubaybay sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga, gumawa na rin ng kani-kanilang paraan ang mga tagahanga upang ipakita ang pagsuporta nila kay Pambasang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
 
Mayroong mga nagco-compose ng kanta, habang mayroon namang gumagawa ng AlDub merchandise, gaya ng mga t-shirt, bag, unan, pin, tumbler, notebook, at ballpen.
 
Hindi rin nagpahuli ang ilang techie AlDub Nation at gumawa rin sila ng AlDub games at AlDub app na maaaring i-download nang libre.
 
 
 
 
 
 
 
 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: aldub, multimedia