ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

#AldenOnStarStruck trends as Pambansang Bae gives kilig tips to hopefuls


Isa ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa mga bumisita sa artista hopefuls ng reality-based artista search na “Starstruck” ngayong Lunes upang bigyan ng kilig tips ang mga contestants.
 
Kilala bilang isa sa nangungunang nagpapakilig sa mga manonood mula Kalyeserye sa noontime show na Eat Bulaga hanggang sa comedy variety show na “Sunday Pinasaya” at iba't iba pang guestings at mall shows, ibinahagi ni Alden ang ilan niyang sikreto sa pagpapakilig.
 
Aniya sa isang bahagi ng programa kung saan kausap niya ang mga lalaking contestants, ibang-iba raw ang pagpapakilig on-screen at sa harap ng live audience.
 
“Kapag nasa harap kayo ng camera, mas mahirap kasi parang camera lang ang kausap niyo. Ang sikreto diyan, make yourself believe na ang camera ang babaeng gusto mong pakiligin,” paliwanag ni Alden.
 
Dagdag pa niya, “Kapag live audience naman, isipin mo na kinakausap mo sila individually.”
 
 
Dahil sa nakatutuwang session niya kasama ang artista hopefuls, nag-trend ang #AldenOnStarStruck nitong Lunes kasabay ng pinakabagong episode ng reality artista search.
 
Umabot sa halos 71,000 tweets ang naturang hashtag at naguna sa Philippines trend ng social media site na Twitter.
 
 
Bukod sa kilig tips, nagbigay rin ng ilang love advice ang Pambansang Bae.
 
 
—JST, GMA News