Joey de Leon and Lea Salonga end 'kababawan' issue on Twitter
Winakasan na nina Joey de Leon at Lea Salonga ang Twitter "war" tungkol sa isyu ng "kababawan" na nabanggit ng Pinay international artist sa isa nitong post sa kaniyang social media account kamakailan.
Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo
— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) September 26, 2015Sinagot ito ni Joey at nagkaroon na rin ng kani-kanilang opinyon ang kanilang mga tagasuporta.
Nag-post din siya ng mga katagang, "Hindi naman pala daw AlDub pinatatamaan ni Lea. Baka naman yung kabila? Nagtatanong lang po."
Nitong Huwebes, tumugon dito si Lea at sinabing:
@AngPoetNyo Hi, Tito Joey, I'll take this to mean that you're at least giving me the benefit of the doubt. For that, thank you very much.
— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) October 1, 2015At sinundan naman ng sagot ng Henyo Master ng Eat Bulaga na naging daan para malinawan at matapos na ang usapin.
@MsLeaSalonga Hi Lea, no worries. Wala na 'yon! Magsimula na lang tayong lahat ng A WHOLE NEW WORLD! Mabuhay ka!
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 1, 2015Si Lea na rin ang nagsara ng kung anumang hindi pagkakaunawaan na idinulot ng kaniyang tweet tungkol sa "kababawan."
@AngPoetNyo Same to you!!! My best to everyone in EB Land!!!
— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) October 1, 2015Ikinatuwa naman ng ilang netizen ang pagkakasundo ng dalawa sa mga pinakahinahangaan at iginagalang na celebrity sa bansa.
@MsLeaSalonga @AngPoetNyo This is great news. All is cleared and thank God for this. Mabuhay po kayo #ALDUB11thWeeksary
— iRetweet AlDub (@freestyledezign) October 1, 2015 @freestyledezign @MsLeaSalonga @AngPoetNyo yan peace na lahat.. Aldub you all!! #ALDUB11thWeeksary
— kookai (@kookaiandboo) October 1, 2015 @MsLeaSalonga @AngPoetNyo good vibes #ALDUB11thWeeksary
— A. Richard.S (@kingrichard27) October 1, 2015 @MsLeaSalonga @AngPoetNyo Yipppee love love love love na lang!!!
— Fireblack Elements (@mquemada0409) October 1, 2015-- FRJ, GMA News