ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ara Mina relates first encounter with 'nice, humble' Alden


Bukod sa AlDub Nation, kabilang sa mga labis na humahanga sa Pambansang Bae na si Alden Richards ang mga kapwa niya artista, dahil bukod sa pagiging magaling na aktor, host, at singer, hindi rin matatawaran ang kabutihang loob na ipinamamalas ng Kapuso heartthrob sa lahat ng taong makakasalamuha niya.

Ayon sa dating Kapuso actress na si Ara Mina, nagkaroon siya ng pagkakataon na makita nang personal si Alden nitong nakaraang linggo, at opisyal siyang naging fan nito matapos itong magpakita ng kababaang-loob.

Aniya sa isang Instagram post, “Nung nasa GMA studio ako for a guesting, nandoon din si Alden so I approached him para pa-picturan ang kasama ko because she's a fan, then siya pa ang lumapit and he said 'Hello, Ms. Ara' with a smile sabay beso and nagpa-picture sya.”

 

I love this pic with Bae @aldenrichards02 ???? I love the daylight????you don't need a filter to enhance or brighten the pic.????????Thanks Alden for our selfie shot. ???? Let me share a story...nung nasa GMA studio ako for a guesting andun din si Alden so I approached him para pa picturan kasama ko bec she's a fan then sya pa lumapit and he said "Hello Ms. Ara" with a smile sabay beso and nagpapicture sya. Natuwa ako kasi di ko naman inexpect na kilala nya ko or babatiin nya ko kasi hindi pa naman kami nagkakatrabaho or anything. May mga ilan kasing baguhan na artista di ka nila kilala or hindi nangbabati especially sa matatagal ng artista as in parang walang nakikita (that's the truth)???? Anyway, dapat kukunan ko rin si Amanda ng picture with him kaso wala sa mood ayaw magpabuhat sa kanya kahit nilaro pa ni Alden failed pa rin kami so ang ending ako ang may picture hehehe. But seriously I'm now a fan???? sayang wala si @mainedcm . Thanks Alden for being nice and humble. May God bless you always. #aldub

A photo posted by Ara Mina ???? (@realaramina) on



“Natuwa ako kasi di ko naman in-expect na kilala niya ako or babatiin niya ko kasi hindi pa naman kami nagkakatrabaho or anything. May mga ilan kasing baguhan na artista na di ka nila kilala or hindi nangbabati especially sa matatagal nang artista. As in parang walang nakikita (that's the truth)” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Ara, nakipaglaro pa si Alden sa kaniyang anak na si Amanda para magkaroon sila ng litrato nang magkasama.

“Dapat kukunan ko rin si Amanda ng picture with him kaso wala sa mood at ayaw magpabuhat sa kanya. Kahit nilaro pa ni Alden, failed pa rin kami so ang ending, ako ang may picture hehehe. But seriously I'm now a fan. Sayang, wala si @mainedcm. Thanks Alden for being nice and humble. May God bless you always. #aldub” ayon sa aktres. --JST, GMA News