ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
KALYESERYE RECAP

Yaya Dub, hindi tunay na apo nina Lola Nidora, Tidora, Tinidora


Isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ni Lola Nidora sa episode ng Kalyeserye sa Eat Bulaga ngayong Lunes.
 
Kasunod ng pag-amin ni Isadora na hindi siya ang tunay na ina ng dalaga, ikinuwento niya ang tunay na pinagmulan ni Yaya Dub.
 
Eighteen years old lamang ang anak ni Isadora at Antonio na si Ursula nang mabuntis siya ni Dodong, na hardinero sa mansyon ng magkakapatid. Nasawi si Ursula habang ipinapanganak si Yaya Dub, at napalayas naman si Dodong sa mansyon dahil sa pagiging iresponsable at sa pagkalulong nito sa bisyo.
 
Pinalabas na Yaya ni Lola Nidora ang dalaga nang bumalik si Dodong upang kunin ang kaniyang anak.
 
Hindi napigilan ni Yaya Dub na maging emosyonal sa lahat ng rebelasyon tungkol sa kaniyang pagkatao.
 
 
 
Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang lahat.
 
Mula pagkabata, si Lola Nidora na ang tumayong lola ni Yaya Dub dahil naglayas si Isadora matapos malaman ang sikreto ng kanilang ina.
 
Hindi tunay na kapatid nina Lola Nidora si Isadora dahil inampon lamang ito ng kanilang ina mula sa kanilang mayordoma noon.
 
Isiniwalat itong lahat ng magkakapatid dahil nais raw nila na makilala na ni Yaya Dub ang kaniyang sarili bago ang nakatakdang tamang panahon sa darating na Sabado.
 
Paliwanag rin ni Lola Nidora, wala sa dugo at laman ang pagiging isang pamilya kundi sa pagtanggap at pagmamahal.
 
 
—JST, GMA News